top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Mahuhuli, kulong | SEX SA RIZAL PARK, BAWAL

Mylene Alfonso
Feb 25, 2019
1 min read

MAHIGPIT na binalaan ng National Parks and De­velopment Committee (NP­DC) ang publiko na bawal mag-sex o anumang inde­cent activities sa loob ng Rizal Park dahil tiyak na sila ay kakasuhan sa sandaling mahuli.

Ayon kay NPDC Exe­cu­tive Director Penelope Belmonte, hindi umano ki­nukunsinti ng pamunuan ng parke ang anumang malas­wang gawain sa loob ng park.

“We appeal to everyone to please respect our Na­tional Park and observe proper decorum while in the premises of the site where our National Hero’s monu­ment is situated,” ani Bel­monte.

Aniya, may sapat na bi­lang ng mga closed circuit television (CCTV) camera ang inilagay na sa iba’t ibang bahagi ng parke, kaya namo-monitor ang lahat ng galaw at kilos sa parke.

Ayon pa kay Belmonte, alam nila na may mga lugar sa parke tulad ng Chinese Garden at Japanese Garden, ang paboritong lugar ng mga lover kung saan malimit na ginagawa ang pagtatalik nang pasimple.

Nagbabala si Belmonte sa publiko na ang sinumang magtatangkang magtalik sa loob ng parke ay mabilis nang mahuhuli ng mga se­curity da­hil mayroon nang monitoring room.

Tiniyak ng opisyal na ma­sasampahan ng kasong paglabag sa City Ordinance 7780 o Indecent Act in a Public Place ang sinumang mahuhuling nagtatalik sa loob ng park.

Ang abiso ay ginawa ni Belmonte bilang babala sa mga lover na mabilad sa ka­hihiyan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page