Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA NEGOSYONG MASUWERTE NGAYONG PEBRERO
- BULGAR

- Feb 25, 2019
- 1 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Jezel ng Jezel_ JapanLady@face-book.com
Dear Señor,
Anong negosyo ang masuwerte ngayong February?
Naghihintay,
Jezel
Sa iyo Jezel,
Sa February 27, 2019, iha, magaganap ang tinatawag na “Mercury at Greatest Eastern Elongation”, ibig sabihin, ang planetang Mercury na kinikilalang planet for very fruitful business ay puwede ng makita ng mga mata sa gawing kanluran pagkatapos ng sunset.
Kahit maliit ang Mercury, siya ay kitang-kita pa rin dahil siya ay nasa puwesto kung saan sobrang lapit niya sa araw, kumbaga, tanglaw siya ng liwanag ng Haring Araw.
Mananatili siya sa ganu’ng puwesto ngayong 2019.
Tulad ng madalas nating ibinabahagi, ang “mer” sa Mercury ay nangangahulugang “komersiyo.” Kaya sila ang nagbibigay ng mga suwerte sa negosyo.
Ibig sabihin, ang lahat ng negosyong panggabi ay susuwertehin.
Ang mga kasalukuyang negosyo at sisimulan pa lamang, partikular na sa mga buwan ng February at March o sa takdang panahon ng zodiac sign na Pisces.
Tulad ng mga restoran, night club, entertainment, nightshift learning center, sauna at iba pa.
Puwedeng-puwede rin ang mga negosyong bukas 24/7.
Kasama rin ang pagtitinda at pagseserbisyo ng mga kliyente na libre sa gabi tulad ng call centers, ospital at iba pa.
Mamili ka sa mga nasa itaas at puwede ka ring mag-isip ng iba, ang importante ay bukas ang negosyo mo pagkatapos lumubog ng Haring Araw.
Good luck and God bless!




Comments