top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

34 bloke ng cocaine inanod sa surigao del sur

Jeff Tumbado
Feb 25, 2019
1 min read

AABOT sa P230 mil­yong halaga ang nareko­ber na 34 bloke ng hini­hinalang cocaine sa bay­bayin ng Tan­dag, Surigao del Sur kahapon.

Ayon kay CARAGA Po­lice Director Chief Supt. Gilbert Cruz, alas-6:00 ng umaga nang ma­diskubre ng mga mangi­ngisda ang itim na plastic bag sa dalampasigan ng Bgy. Bongtud.

Alam na ng mga ma­ngi­ngisda na floating co­caine ang namataan nito tulad ng mga naunang nadiskurbe sa baybayin ng iba pang lala­wigan kaya agad nilang ipi­nag­bigay-alam sa mga aw­toridad.

Nabatid pa mula kay Cruz na may dollar sign na nakasulat sa mga pi­nagba­lutan ng cocaine.

Isinailalim na sa pag­su­suri ng crime labora­tory ang mga nakuhang bloke ng ili­gal na droga upang makum­pir­ma kung tunay na cocaine ang laman nito.

Sa loob din ng kasalu­kuyang buwan ay nadis­kubre ang P200 milyong halaga ng cocaine sa Siar­gao Island.

Mayroon ding inanod na mga bloke ng cocaine sa mga dalampasigan ng Dinagat Island, Quezon Province at Camarines Norte.

Naniniwala si PDEA Di­rector General Aaron Aqui­no na ginagamit ng mga sindikato ang Pilipi­nas bilang transhipment point bago ipadala sa Hong Kong, Tai­wan, Chi­na at iba pang ka­lapit-bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page