2 pulis utas sa NPA

Feb 25, 2019
1 min read

PATAY ang dalawang pulis nang makaengkuwentro nila ang mga umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) sa San Jose, Occidental Mindoro.
Batay sa ulat, miyembro ang mga pulis ng Joint Force Provincial Mobile Force Company ng PNP.
Nakasagupa umano nila ang rebeldeng grupo na pinamumunuan umano ng isang Jorgio Safra.
Samantala, dinala sa San Jose District Hospital ang labi ng mga nasawing pulis.
Patuloy naman ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga rebelde. (BRT)





Comments