Zambales niyanig ng magnitude 5.2

NAITALA kahapon ang Magnitude 5.2 na lindol sa San Antonio, Zambales na naramdaman din sa mga kalapit na lalawigan.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-12:14 ng tanghali nang maitala ang pagyanig sa layong 23 kilometro ng nabanggit na bayan.
May lalim na 25 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.
Batay sa Instrumental Intensity na inilabas ng Phivolcs, naitala ang Intensity III sa Olongapo at Zambales; Intensity II sa Guagua, Pampanga at Intensity I sa Malolos City, Bulacan at Dagupan City, Pangasinan.
Wala namang inaasahang pinsala na idudulot ng lindol at wala na ring aftershocks.





Comments