top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pulis, 3 pa dedo sa riding-in-tandem

  • Jeff Tumbado
  • Feb 24, 2019
  • 1 min read

APAT katao kabilang ang isang dating pulis ang napatay sa pananambang ng riding-in-tandem sa Consolacion, Cebu, Biyernes ng gabi.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang mga biktimang sina Adrian Cabinelas, Joel Cabardo, dating pulis na si Herodias Herbieto habang dead-on-arrival sa ospital ang isa pang lalaki na hindi pa nakikilala.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Emerito Sansan, sakay ng motorsiklo si Herbieto at kanyang asawa at pauwi na nang sundan at pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Maging ang tatlong lalaki na magkakaangkas din sa motorsiklo na umano’y escort ni Herbieto ay pinagbabaril ng dalawang salarin bago nagsitakas.

Nakaligtas naman sa pananambang ang asawa ni Herbieto.

Napag-alaman sa report na kapipiyansa pa lamang umano ni Herbieto noong Huwebes sa kasong illegal possession of firearms sa Mandaue City Hall of Justice.

Sinasabing ang tatlong kasamahan ni Herbieto ay pawang mga gun-for-hire at drug supplier din sa ilang malaking bahagi ng naturang munisipalidad.

“Itong ex-police siga sa kanila, kinatatakutan dahil may mga baril, samantalang, itong dalawa na nakilala, may record na gumagamit ng drugs. Miyembro rin sila ng gun-for-hire dito sa Cebu. Iimbestigahan natin kung involved din ba ang ex-police sa drugs,” pahayag ni SPO3 Sansan.

Dagdag ni Sansan, posibleng personal o may kinalaman sa illegal drugs ang motibo sa pagpaslang sa apat.

Bukod sa asawa ni Herbieto, nangangalap pa ang pulisya ng karagdagang saksi para makilala ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page