PEÑALOSA, HINOG SA WORLD TITLE FIGHT, CASIMERO, UMISKOR NG KNOCKOUT SA SKYDOME
- MC / Alvin Olivar
- Feb 24, 2019
- 1 min read

ISANG malaking mensahe ang ipinahiwatig ni John Riel Casimero sa bantamweight division nang bigyan ng isang brutal na laban ang kalabang Hapones na si Kenya Yamashita noong Peb 9.
Ang dating two-division champion mula Ormoc City ay nagbabaga ang mga kamao sa opening round. Malalakas ang bigwas ng kanyang mga upak sa mga sumunod na rounds.
Nakakatibag na mga body shots ang ipinatitikim ni Casimero sa 4th round kay Yamashita patunay ng kanyang tibay sa opensa. Pagdating sa 5th round, duguan na ang Hapones sa huling 10 segundo. Sinuri siya ng ring doctor pero nais ng cornerman nito na ipagpatuloy ang laban.
Ang main event sa gabing iyon ay ang pinakamahalagang panalo ni Dave Peñalosa kontra Mexican Marcos Cardenas para sa WBO Oriental featherweight title. Ang performance ni Peñalosa ay dahilan upang ideklara ng kanyang uncle at promoter Gerry Peñalosa na ang kanyang pamangkin ay hinog para sa world title shot. Sinabi ni Gerry na titingnan niya kung sinuman sa kanyang featherweight champion ang handang depensahan ang korona sa Pilipinas.





Comments