top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Malinaw ayon sa palad... LALAKING NAKATAKDANG UMUNLAD KUNG UUNAHIN MUNANG MAGNEGOSYO BAGO BUMUO NG P

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 24, 2019
3 min read

KATANUNGAN

  1. Limang taon na ako rito sa Singapore at balak ko nang manatili nang matagal dito upang magtayo ng negosyo pag-uwi ko sa Pilipinas. Ang binabalak kong negosyo ay grocery sa public market. Itatanong ko lang kung aasenso kaya ako sa negosyong ito?

  2. May ka-live-in ako sa Pilipinas bago ako umalis, pero ngayon ay nagkakalabuan na kami. May nakilala akong bago rito sa Singapore at parang mag-M.U. na kami. Itatanong ko rin kung kanino sa dalawang babaeng ito ako susuwertehin kung sakaling isa sa kanila ang aking mapapangasawa?

  3. Ang babae na ka-live-in ko sa ‘Pinas ay may birthday na October 13, 1989 habang ang nakilala ko naman dito sa Singapore ay May 5, 1990 ang birthday habang October 17, 1986 naman ang birthday ko.

KASAGUTAN

  1. Walang duda, kapwa mo ka-compatible ang dalawang babaeng binabanggit mo dahil ‘yung una na may birthday na October 13, 1989 ay kapareho mo ng zodiac sign kung saan pareho kayong Libra.

  2. Samantala, sa Depth Astrology na pag-aanalisa, ka-compatible mo rin si Ms. Taurus na may birthday na May 5, 1990 sapagkat ang Venus at Libra ay may iisang planetang tinataglay – ang planetang Venus.

  3. Gayunman, kung sa usapang salapi, negosyo at ma­teryal na bagay, masasabing kung sino sa dalawang babae ang mas magbibigay sa iyo ng suwerte sa larangan ng pananalapi, walang alinlangan na ang babaeng may birthday na May 5, 1990 ang nararapat na piliin mo dahil ang Taurus ay may elementong lupa habang ang 5 ay nagtataglay ng planetang Mercury na sadyang mapalad sa pagnenegosyo at ang 5 ay suwetung-suweto ring isama sa 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8) na birthday mo, lalo na at kayo ay magsososyo sa iisang negosyo.

  4. Hinggil naman sa guhit ng iyong mga palad, kapan­sin-pansin ang makapal at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabi­­hin, kung gugustuhin mo, anumang sandali o panahon, puwede kang magpabalik-balik sa abroad, kahit hindi ka muna mag­negosyo dahil sa edad mong 32 na bata pa naman, ibig sabihin, puwede kang mag-asawa muna kasabay ng pag-iipon ng maraming puhunan bago tuluyang sumabak sa pag­nenegosyo.

Sa ganu’ng paraan, kung buo na talaga ang loob mo na magnegosyo, puwede naman sapagkat may namataan ding malinaw at makapal na Business Line (Drawing A at B. B-B arrow b.) sa kaliwa at kanan mong pa­lad. Ibig sabihin, anuman ang piliin mo sa dalawang option na inilahad na sa itaas, mag­negosyo o pa­tuloy na mag-ab­road, walang prob­le­ma dahil naka­takda na sa iyong Career Line (Dra­wing A. at B. F-F arrow c.) sa pana­hong ito ng iyong buhay, tuluy-tuloy ang malaking pag-asenso at tagumpay sa larangan ng kabuhayan.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Ivan, tunay ngang bihira sa tao ang magkaroon ng magandang Business Line (B-B arrow b.), Fate Line (F-F arrow c.) at Travel Line (t-t arrow a.) na nangangahulugang anuman ang larangang nais mong suungin, tiyak na mag­tatagumpay ka sa aspetong pangmateryal na bagay.

  2. Isa lang ang dapat mong gawin sa kasalukuyan upang tuluyan ka ng yumaman at mag­ing maligaya kung saan sa panahong sagana ka na, hu­wag mong kalilimutan g mag-ipon at magsinop nang mag­sinop ng kabuhayan, mahalin mo ang bawat salapi na maga­ang mong kinikita ngayon upang mahalin ka rin ng ma­teryal na bagay o ng magan­dang kapa­larang ipinagkaloob sa iyo ng langit hanggang sa tuluyan ka nang yumaman at ayon sa iyong mga datos, ang nasabing ma­­la­king pagyaman ay nakatak­dang mangyari five years from now, sa taong 2024, sa edad mong 38 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page