LADY SPIKERS, SALO NA SA LIDERATO NG MAROONS


WINALIS ng defending 3-time women’s champion De La Salle University ang Adamson University upang makasalo sa liderato ng UAAP Season 81 Volleyball Tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Pinangunahan ng Lady Spikers ni setter Michelle Cobbs na nagtala ng 25 excellent sets habang nagtapos na topscorer si rookie Jolina dela Cruz para sa Lady Spikers sa itinalang 10 puntos.
Sa kabila ng panalo na nagtabla sa kanila sa University of the Philippines sa liderato, naniniwala si DLSU head coach Ramil de Jesus na marami pa silang dapat iayos partikular ang players’ communication sa floor. “There are still situations where they fail to adjust and commit errors and perhaps it’s because of their lack of communication inside the court,” ani de Jesus.
Sanhi ng pagkatalo, nalaglag ang Lady Falcons sa ilalim kasalo ng University of the East na wala pang panalo pagkaraan ng dalawang laro.
Sa kabila ng paglalaro na pilay ang line--up, nakuha na ring pumasok sa winners circle ng National University nang padapain ng mga ito ang University of the East , 25-19, 25-23, 25-19.
Ipinalit sa kanilang injured na rookie setter na si Joyme Cagande na hindi na makakalaro sa kabuuan ng season dahil sa natamong injury sa tuhod sa nakaraan nilang laro, impresibo ang ipinakita ng na-convert na setter na si Joni Chavez nang maayos nitong pangunahan ang opensa ng Lady Bulldogs.
Nanguna sina rookies Freshmen Ivy Lacsina at Princess Robles kasama ng mga beteranong sina Audrey Paran at Roselyn Doria upang giyahan ang kanilang koponan na mayroon na lamang 10 players. (VA)





Comments