KRIMEN SA METRO MANILA, BUMABA
- V. Reyes
- Feb 24, 2019
- 1 min read

PINANININDIGAN ni National Capital Region Police Office Chief General Guillermo Eleazar na bumaba ang antas ng krimen sa Metro Manila.
Ito ay sa kabila ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na mayroong tinatayang 1.8 milyong pamilyang Pilipino ang naiulat na biktima ng mga karaniwang krimen sa nakalipas na anim na buwan.
Sinabi ni Gen. Eleazar na kung pagbabatayan ang mga datos na hawak ng Philippine National Police, pababa ang trend ng krimen ngunit, posible pa rin naman aniya ang paminsan-minsang pagtaas.
Tinukoy na halimbawa ng heneral na sa unang 30 buwan ng administrasyong Duterte, bumagsak ng 54 porsiyento ang krimen kumpara sa huling 30 buwan ng administrasyong Aquino.
Sa ipinalabas na resulta ng survey ng SWS, sinasabing 7.6 pamilyang Pinoy ang na biktima ng common crimes sa nakalipas na kalahating taon.
Kabilang sa mga common crime ay ang pandurukot, pagnanakaw, akyat-bahay, carnapping at pisikal na pananakit.
Tiniyak naman ng opisyal na mahigpit nang kumikilos ang kapulisan upang mapigilan ang kriminalidad.





Comments