Kontra tigdas, hirit ng DOH — DepEd | NO BAKUNA, NO ENROLL


PINAG-AARALAN ng Department of Education (DepEd) ang panukala ng Department of Health (DOH) na ipatupad ang “no vaccination, no enrollment” policy sa mga pampublikong eskuwelahan sa gitna ng tigdas outbreak.
Gayunman, iginiit ni Education Secretary Leonor Briones na sa kabila ng panukala, pangunahing konsiderasyon pa rin ang karapatan ng mga estudyante.“As much as there is a growing need to reinvigorate the campaign for the importance of vaccination, the proposed policy must take into consideration the human rights of learners, especially their access to quality basic education.
While DepEd is looking into different ways to regain the confidence of parents in immunization, the agency has made commitments with DOH in ensuring that the learners are protected,” ani Briones.
Kaugnay nito, naglatag ang DepEd ng ilang hakbang kapag ipinatupad ang polisiya na walang enrollment kung walang bakuna ang bata.
Samantala, tiniyak naman ng kalihim na patuloy na makikipag-ugnayan ang ahensiya sa DOH sa monitoring ng mga kaso ng tigdas at ang pagtugon sa sakit.
Sa huling datos ng DOH, nasa 11,459 ang kaso ng tigdas sa bansa at umabot na sa 189 ang namatay. (BRT)





Comments