top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kolektor ng utang, dedbol sa holdap

Jeff Tumbado
Feb 24, 2019
1 min read

ISANG kolektor ng tindahan na nagpapautang ng gamit-pambahay ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa tukoy na suspek sa Bgy. Labangal, General Santos City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Gumaran Sultones, 33, na nagtamo ng mga tama ng bala sa harap at likod ng kanyang katawan.

Lumalabas sa imbestigasyon na naniningil ng pautang ang biktima sa Purok Lower Makar nang bigla itong lapitan at barilin ng isang lalaki.

Narekober sa crime scene ang higit P4,000 cash habang nawawala naman ang sling bag ng biktima na pinaniniwalaang may lamang pera at cellphone nito.

Panghoholdap ang isa sa mga motibo sa krimen.

Ito na umano ang ika-14 na insidente ng pamamaril na naitala sa naturang siyudad ngayong taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page