Ipinagsigawan pa sa social media… GRETCHEN, NAG-CELEBRATE NA NABASURA ANG KASO NI KRIS VS. NICKO FAL
- BULGAR

- Feb 24, 2019
- 1 min read

TINATAWAG na naman ngayong “sawsawera” si Gretchen Barretto dahil sa muling pakikisawsaw at pagko-comment tungkol sa pagkaka-dismiss ng kasong qualified theft na isinampa ni Kris Aquino laban sa dati niyang business manager na si Nicko Falcis.
Nag-post si Nicko sa kanyang Instagram story ng “Overwhelmed. Grateful and humbled. Salamat Lord!” at nag-comment dito si La Greta ng: “Congratulations Nix! God is good & just (heart emoji) celebrating now.”
Ang dami na naman tuloy fans ni Kris ang nagagalit kay Greta. Hindi na nga raw ito pinapatulan ng kanilang idolong TV host, panay pa rin ang papansin ng long-time partner ni Tony Boy Cojuangco kesa isipin ang sariling buhay niya.





Comments