top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

DAVAO AT MUNTINLUPA, MABANGIS, MATIBAY ANG KARTADA SA MPBL

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 24, 2019
1 min read

IBINALIBAG ng Da­vao Occidental Tigers at Muntinlupa Cagers ang kani-kanilang mga karibal noong Huwebes upang makapu­westo sa rank 1-2 ng South Division ng Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Crup sa Muntinlupa Sports Complex.

Maagang ipinakita ng Tigers ang bangis at hindi na hinahayaan ang Rizal Crusaders na makaporma para sa panalo sa 84-74 habang ang double digits ng Cagers mula sa 5 players ang tu­migpas sa Bulacan Ku­­yas, 86-66. Nanguna ang Tigers sa 11 sa bawat unang tat­long quarters sa­pat ­para ipos­te ang ika-19 na panalo kontra sa apat na talo at pinatibay pa ang pag­­kapit sa top spot. Bagamat umaarangkada ang Crusaders, ang Cagers ay lu­malayo na sa 31 pun­tos, 72-41 at umibayo na sa 14-9 na panalo at talo na record at ini­lagay ang Batangas City Athletics (14-10) sa second spot.

Sa kabuuan, nakasalo ng Tigers sa second spot ng North Division ang powerhouses na Manila Stars at Makati Super Crunch at solo leader ang Basilan Rises na may ipinagmamalaking 21-2 record. Muling nagpamalas ng tibay si Mark Yee sa Cocolife-Tigers sa bisa ng opensang 23 puntos at 8 rebounds kasunod ni Em­manuel Cao na may 13 puntos sa loob ng 13 minuto at 8 segundo ng laro.

Sa naturang panalo may 80-62 muna sa huling mi­nuto, lumakas pa ang depensa ng Tigers, hinayaan ang Xentro Mall Crusaders na lumaban bago bumagsak ang kartada sa 7-17. Wala na sa playoffs ang Crusaders na may 10 puntos mula kay Eric Dela Cruesta at Jerome Juanico. Sumadsad naman ang Kuyas sa 13-11 win-loss record. Ang top 8 teams sa bawat dibisyon matapos ang 25-game round robin eliminations ay aabanse sa playoffs ng liga. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page