top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Building nasunog | RECORDS, SAFE — CUSTOMS

Mylene Alfonso / Madel Moratillo
Feb 24, 2019
1 min read

NAILIGTAS ng Bureau of Customs ang mga mahahalagang transaction records sa kabila ng sunog na tumupok sa gusali kamakalawa ng gabi.

Ayon kay InternationalContainer Terminal District Collector at BOC Spokesperson Erastus Austria na inaatasan sila sa ilalim ng batas na itago ang mga softcopy ng mga transaksiyon kaya ligtas ang data base ng BOC.

Pansamantalang inilipat ng BOC ang kanilang operations sa BOC Gymnasium upang matiyak na hindi maaantala ang operasyon sa Port of Manila.

Pinagpaplanuhan na rin ng ahensiya na pansamantalang gamitin ang mga kalapit na government offices’ facility tulad ng Philippine Ports Authority at Maritime Industry Authority.

Nauna rito, umabot sa mahigit sampung oras bago tuluyang naapula kahapon ng umaga ang naganap na sunog sa gusali ng BOC sa South Harbor 16th St. Gate 3, Port Area, Manila.

Ayon kay FS/Supt Jonas Silvano -Ground, Commander ng Manila Bureau of Fire Protection, alas- 7:10 ng umaga nang ideklarang fireout ang sunog.

Sa ulat, nagsimula umano ang sunog alas-9:00 ng gabi na itinaas sa ikalimang alarma pagsapit ng alas-10:00 ng gabi.

Nagsimula umano ang sunog sa ikatlong palapag ng gusali at nadamay ang ikalawang palapag.

May 50 trucks ng bumbero ang nagtulung-tulong para maapula ang apoy.

Patuloy namang iniimbestigahan ang sanhi ng insidente.

Samantala, habang nagaganap ang sunog sa BOC, isa pang sunog ang sumiklab alas-10:45 ng gabi sa Area A, Balon, Pier 2, Gate1, Parola Compound, Tondo, Manila. Alas-3:44 ng madaling-araw nang idineklarang fireout ang sunog na umabot sa ikalimang alarma.

Ayon kay SFO1 Joshua Emmanuel Galura, nagsimula umano ang sunog sa isang barung-barong kung saan mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page