6 yrs. sila kaya sobrang na-hurt… CLINT, UMAMING NAPILITAN LANG SA HIWALAYAN NILA NI CATRIONA


DIRETSO nang inamin ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang tungkol sa nababalitang break na sila ng BF niyang si Clint Bondad.
Kaya naman, maging si Clint ay nagbigay-linaw na rin sa mga nagtatanong kung hiwalay na nga ba sila ng GF niyang si Queen Catriona.
Sa isang post ng BF ni Ms. Cat, nabanggit nito na hindi nila parehong ginusto ang nangyari, pero ‘yun ang dapat at kailangan nilang gawin sa kanilang sitwasyon.
Halatang sobrang nasaktan ang dating BF ni Miss Universe 2018 dahil six years ang naging relasyon nila ni Catriona. Hindi niya basta-basta maitatapon ang masasayang memories ng kanilang pagmamahalan.
Awang-awa naman ang mga netizens kay Clint Bondad na sobra kung magmahal. Pero sa status ngayon ni Catriona bilang Miss Universe, mawawalan na ito ng panahon para sa kanyang love life.
Napakalaki ng responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat. Marami siyang duties na dapat gampanan bilang Miss Universe. Matagal siyang titira sa New York, U.S.A. kaya kailangan niyang isakripisyo ang kanyang love life.





Comments