top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

7 timbog sa droga

Maeng Santos
Feb 24, 2019
1 min read

PITO katao na umano’y tulak ng iligal na droga ang naaresto ng pulisya sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police Deputy for Administration Supt. Ferdie del Rosario ang mga naarestong suspek na sina Sarah Suzette Sarmiento, 38; Ma. Theresa Pacolba, 51; Liza Prado, 37; Ricky Pineda, 45; Jefferson Baltazar, 23; Norman Belga, 50, at Jay-ar Mangelen, 34.

Ayon kay Station Drug Enforcement Unit Chief Insp. Rengie Deimos, alas-5:30 ng madaling- araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PCI Merben Bryan Lago ang buy-bust operation kontra sa dalawang tulak na sina Sarmiento at Pacolba malapit sa kanilang bahay sa Marulas A. St., Bgy. 36.

Binentahan nina Sarmiento at Pacolba ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P200 si PO1 Wendell Pogoy na nagpanggap na poseur-buyer.

Nang magkaabutan, napansin ng isa sa mga suspek ang ibang operatiba kaya tumakbo ito upang tumakas subalit, hinabol ito hanggang sa makorner sa isang bahay na ginagawa umanong drug den kung saan naaktuhan ang limang indibidwal na sumisinghot ng shabu.

Ani PO1 Juan Miguel Madlangbayan, narekober sa mga suspek ang limang plastic sachets ng hinihinalang shabu, buy-bust money, nakabukas na plastic sachet na may bahid ng shabu at mga drug paraphernalia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page