top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Suwerte raw kayo sa halos lahat ng buwan maliban sa Agosto... KATOTOHANAN TUNGKOL SA KASUWERTEHAN AT

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 23, 2019
3 min read

SA pag-ibig at pakiki­pagrelasyon, para sa mga single, pero nagbabalak ng magpakasal o mag-asawa, tunay ngang nga­yong 2019 ay paborable sa inyong kapalaran ang panahon para magpaka­sal upang magkaroon ng masaya, masagana at pang­habambuhay na re­lasyon kung saan ayon sa takdang kapalaran, sa bu­wan ng Agosto lang kayo posibleng magkaroon ng problema.

Sa mga may asawa na, pero wala pang anak o nag­babalak na magdagdag ng supling, lubhang magiging mapalad din sa inyong pa­milya ang baby na isisilang ngayong 2019 kung saan ang nasabing bata ang mag­dadala ng pag-unlad at dag­dag pang suwerte sa inyong buong pamilya.

Sa negosyo, career at as­petong pangkabuhayan, tuluy-tuloy ang maunlad at masaganang kita ngayong Taon ng mga Baboy para sa mga Tigre. Ang problema nga lang, kahit na tumaas ang graph ng pasok ng pera at gumanda ang kinikita nila kung hindi naman maiiwa­san ng Tigre ang tipikal ni­yang ugali sa pagiging ma­gastos at medyo bulagsak, maaaring ang magandang kinita niya ngayong 2019 ay tiyak na mauubos at ma­sisimot kaagad.

Sadyang magiging sob­rang ganda naman ng kapa­laran ng Tigre mula sa ika-3 ng Hunyo hanggang sa ika-2 ng Hulyo, mula sa ika-28 ng Setyembre hanggang sa ika-28 ng Oktubre, mula sa ika-28 ng Oktubre hanggang sa ika-25 ng Nobyembre.

Kung ikaw ay Tigre na isinilang noong 1974, tinata­yang higit na magiging ma­unlad at maligaya ang iyong career sa aspetong panana­lapi kung ikukumpara sa dam­damin. Ibig sabihin, ka­hit na hindi ka masyadong masaya sa aspetong pang-emosyunal, sobrang magi­ging maligaya naman ang iyong bulsa dahil sa makapal at maraming perang papa­sok sa iyong kabang-yaman, lalo na sa last quarter nga­yong 2019.

Kung ikaw ay Tigre na isinilang noong1926 at 1986, magpapatuloy ang ma­sigla mong pakikisalamuha sa mga taong malalapit sa iyo. Kaya kung nagka­roon ka man ng proble­ma sa pa­kiki­pag­­re­las­yon noong 2018, sigurado na ngayong Taon ng mga Ba­boy ay iinit nang husto at magiging ma­ligaya ang ug­nayan hindi la­mang sa pa­milya kundi pati na rin sa babae o lalaking labis mong pinahahalagahan sa iyong bu­hay. Kaya kung madalas ka­yong mag-LQ ng girl­friend o boyfriend mo noong na­ka­raang taon, nga­yong 2019, iba na ang ma­gaganap, bu­kod sa bihira na kayong mag­­katampuhan o mag-away, lalo pang baba­ngis at iinit ng husto ang in­yong pagmama­halan. Ha­bang su­misigla at nagiging mali­gaya ang in­yong relas­yon ay kasabay nito, aangat nang aangat nang todo ang graph ng pag-unlad sa as­petong panana­lapi at pang­kabuha­yan.

Kung ikaw ay Tigre na isi­nilang noong 1938 at 1998, may mga pagkabug­not at pagkainis kang mara­rana­san. Subalit, mabilis na­man itong mawawala sa pa­ma­magitan ng paglalakwat­sa at pamamasyal. Ngayong 2019, kahit ano ang mara­nasan mo, palaging may protek­siyon sa iyo ang kapa­laran. Kaya pagkatapos ng pag­kainis, pagkabagot at mga intriga, asahan mong kasu­nod nito, gagandang muli ang iyong kapalaran.

Kung ikaw ay Tigre na isinilang noong 1950 at 2010, iwasan mo ang ugaling pa­bigla-bigla at madaling ma­galit dahil ang mga nega­tibong ugaling ito ang mag­tataboy ng suwerte sa buhay mo. Kaya dapat ay pa­nati­lihin mo ang ugaling masaya at pangiti-ngiti sa­pagkat ang ugaling ito ang siyang sasa­gap ng positi­bong kapalaran at mas ma­rami pang suwerte ngayong Taon ng mga Baboy.

Kung ikaw ay Tigre na isinilang noong 1962, ina­asahan na ang lahat ng pa­unang suwerte at magan­dang kapalarang darating sa iyo ngayong 2019 ay mado­doble at marami pang ma­giging kasunod. Halim­bawa, nanalo ka sa lotto o huweteng, tiyak na may mga kasunod pa itong mas malaking panalo, kaya taya lang nang taya. Dagdag pa rito, kung may nag-abot sa iyo ng malaking halaga ng sa­lapi, tiyak na bukas maka­lawa o sa susunod pang mga buwan ay may mag-aabot ulit sa iyo ng pera na mas malaki pa. Habang sa tra­baho naman, kung na-pro­mote ka, tiyak na sunud-su­nod na ang pag-unlad ng iyong career.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page