Sa away daw ng magdyowa... KARLA, IDINEPENSA SI DANIEL, IDINIIN SI KATHRYN


Ayaw humupa ng usok sa isyung hiwalayan ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kahit nagpaliwanag na si Kathryn na aksidente lamang ang pagkaka-block niya kay Daniel sa Instagram, tila ‘di naniniwala ang ibang netizens.
Sa mga pahayag ng ina ni Daniel na si Karla Estrada, may pagdidiin siya sa kanyang linya na ang importante, hindi ang anak niya ang nabalitang nang-block kay Kathryn.
For sure, may nalalaman si Karla, pero ayaw niya siyempre na sa kanya manggaling kung true na hiwalay or may tampuhan sina Kathryn at Daniel. Kaya sinasabi ni Karla, hayaan na lang daw ang dalawa.
Mukhang may malalim na pinagdaraanan sina Kathryn at Daniel ngayon. As of this writing, we heard nasa Japan si Daniel, minus Kathryn, ha?
And prior to this, may balitang kinagigiliwang babae si Daniel na taga-Batangas.
Karugtong pa ang balitang magpapahinga muna si Daniel for one month.
Samantala, bigla naman ang balitang may bago nang leading man si Kathryn for her next movie project na si Alden Richards.
Well, dito talaga magkakaalaman kung sino talaga kina Kathryn at Daniel ang may mas maraming solid fans kapag nagkani-kanya na sila ng proyekto. Or worst, ito ang maging dahilan ng parehong pagbagsak ng kanilang career.





Comments