Nawalan ng kontrol, bumangga sa puno | MAG-ANAK NA PINOY, 1 PA TODAS SA AKSIDENTE
- Jersey Sanchez
- Feb 23, 2019
- 1 min read
NAKAHANDANG tumulong ang gobyerno sa pamilya ng limang Pilipinong nasawi sa aksidente sa California, U.S.A.
Batay sa ulat ng California Highway Patrol, binabaybay ng pamilya ng nasawing si Jelson Laguta ang kahabaan ng Highway 99 nang nawalan ng kontrol dahilan para bumangga sa puno ang naturang sasakyan.
Gayunman, bukod kay Laguta, nasawi rin ang kanyang asawang si Arlene at mga anak na sina Caleb at Joseph, gayundin ang kanilang kaibigan na si Danilo Salidad.
Nais ng pamilya ng mga biktima na maiuwi sa bansa ang kanilang mga labi.





Comments