top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mala-Amaya ni Marian, ginastusan nang bongga… SIYETE, NAGPATAYO NG VILLAGE PARA SA SERYE NI BIANCA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 23, 2019
  • 2 min read

Nitz Miralles / BIDA

Naka-disable ang comment box ng Insta­gram (IG) account ni Bianca Umali kung saan ipinost niya ang picture ng guy na may hawak na red rose. Ang caption ng picture ay: “Para mi.”

Hindi tuloy makum­pirma kay Bianca kung si Ruru Madrid nga ba ang nasa picture na may hawak ng red rose. Pero, kinum­pirma na ng mga netizens na si Ruru nga ang nasa picture na may hawak na red rose kahit cropped ang ulo.

May ganu’ng picture rin kasi si Ruru sa IG nito, may hawak na red rose at white long sleeves polo ang suot. Ang caption ng picture: “For you my love.” Kaya tama ang caption ni Bianca na: “Para mi” na ibig sabihin ay “for me.”

May netizen pa na nakakita sa isang picture na kita sa background ang kotse ni Ruru. ‘Yun daw ang time na ibinigay ni Ruru ang red rose kay Bianca.

Hindi naman siguro makakasira sa airing ng TODA One I Love nina Ruru at Kylie Padilla at sa nalalapit na airing ng epic serye na Sahaya nina Bianca at Miguel Tanfelix ang patuloy na pagka­ka-link nina Ruru at Bianca.

Bukod kasi sa cast, ang material at magandang project ang panonoorin ng mga Kapuso viewers. At sa Sahaya na­man, teaser pa lang at tunog ng kulin­tang ang naririnig, excited na ang mga viewers na mapanood ang epic serye.

Malaki ang paghahanda ng GMA-7 sa Sahaya. Nagpatayo sila ng Badjao village sa Calatagan, Batangas na ni-rent nila nang six months para gamitin na location at pinatayuan ng stilt houses.

May iba pang location ang Sahaya na siniguro ng production at ni Director Zig Dulay na makakatulong para mas gumanda ang epic serye. Para sa mga Kapuso viewers, may Amaya vibes ang Sahaya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page