top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mag-asawa pinagbabaril sa harap ng anak

Maeng Santos
Feb 23, 2019
1 min read

DEDO ang mag-asawa matapos pasukin at pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa harap ng kanilang 11-anyos na anak na babae sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Caloocan Police Deputy Chief for Administration Supt. Ferdie del Rosario, dead-on-the-spot sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa kanilang katawan si Albine Nervar at kanyang asawa na si Nemia, kapwa 40-anyos.

Sa pahayag sa pulisya ng anak ng mag-asawa na si alyas Jane, naglalaro siya kasama ang kanyang mga kaibigan sa labas ng kanilang bahay, alas-8:30 ng gabi nang lumapit ang suspek at bumili ng sigarilyo sa kanilang tindahan bago naglakad palayo.

Makalipas ang ilang sandali, bumalik ang suspek at nagtanong sa mag-asawa ng lighter para makisindi ng sigarilyo.

Nang buksan ni Albine ang pinto, sapilitang pumasok ang suspek sa loob at pinagbabaril ang mag-asawa sa harap ng kanilang anak na babae.

Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, wala silang ideya kung ano ang motibo sa pagpatay sa dalawa dahil wala silang alam na kaaway ng mga ito sa kanilang lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page