top of page

Lalo na kung medyo nawawalan ka na ng kumpiyansa, beshy! TIPS PARA PAGKATIWALAAN NG MGA KATRABAHO, A

  • Jersey Sanchez
  • Feb 23, 2019
  • 2 min read

No Problem

MARAMI sa atin ang madalas na nasa tra­baho kung saan ang workplace ay maaa­ring maka-enhance ng ating pagiging mabu­ting empleyado at indibidwal, ngunit, kasabay ng pagpapa­buti natin sa ating sarili ay ang pagpapa­ganda rin ng samahan natin sa ating mga nakakasama, narito ang 10 tips upang ma­buo natin ang tiwala ng ating workmates:

1. GIVE CREDIT WHEN IT’S DUE. Hindi natin maitatanggi na masarap ito sa feeling, pero mga lodi, mabuting i-credit o i-recognize natin ang mga tao na tumulong sa atin upang maging matagumpay tayo sa ating mga naga­wang task. Sa ganitong paraan, mas maeenggan­yo ang bawat isa na mag­tulungan sa lahat ng oras.

2. DEMONS­TRATE CONCERN. Kung may concern ka na makabu­buti sa iyong katrabaho, huwag kang mahiyang ipahayag ito sa kanya. Walang masama rito lalo na kung maayos ang approach mo at makabubuti ito sa kanya. Copy?

3. BE SELF-REVEALING. Ang pagba­bahagi ng ilang bagay tungkol sa iyo ay naka­tutulong din upang magka­roon ng tiwala sa iyo ang mga katrabaho mo, ngunit, huwag mong kalilimu­tan na dapat ay may limi­tasyon ang pagbabahagi dahil hindi lahat ng tungkol sa iyo ay dapat mong ikuwento.

4. SHARE INFORMATION. Kung ayaw mong mapagdamutan ng impormasyon, mag-share ka rin! Halimbawa, um-attend ka ng seminar kung saan marami kang natutu­nan na alam mong mapa­ki­kinabangan mo sa trabaho, why not to share sa iyong workmates? Hindi ba, magandang magbahagi ng mga bagay na makatutulong sa pag-improve ninyo?

5. MANAGE EXPECTATIONS. Walang perpektong boss at ka­trabaho, kaya beshy, huwag kang masyadong mag-expect dahil lahat ng tao sa paligid mo at kahit ikaw ay patuloy na natututo at nag-i-improve, araw-araw. Oks ba ‘yun?

6. TRUST OTHERS. Importanteng magka­roon ng tiwala sa bawat isa dahil kung wala, paano na? Hmmm… ayon sa mga eksperto, ang kawa­lan ng tiwala sa iyong ka­trabaho ay hindi makatu­tulong para magkaroon kayo ng magandang samahan sa loob ng kumpanya.

7. SET AN EXAM­PLE. Hindi lang ang mga boss ang dapat na maging role model kundi ang mga empleyado rin. Ayon sa mga eksperto, ang paki­kinig nang bukas ang isipan at pagres­peto sa opinyon ng bawat isa ay magandang pa­raan para maim­pluwensiyahan ang iyong kapwa na maging mabu­ting empleyado. Alam n’yo na, ha?

8. AVOID OFFICE GOSSIPS. Wala itong magandang naidudulot sa bawat isa, kaya huwag ninyo itong gagawin, okie? Kung frustrated ka sa iyong katrabaho, mas mabuting maglabas ka ng mga hinaing sa iyong kaibigan na wala sa workplace mo. Iwasan mong maging palabulong tungkol sa ibang tao dahil ‘ika nga nila, ‘wag mong gawin sa ibang tao, ang ayaw mong gawin sa iyo.

9. BE CONSISTENT. Lahat naman tayo, eh, gusto ng consistency. Ang pagiging consistent sa trabaho ay nakatu­tulong upang makuha natin ang tiwala ng mga nakatataas sa atin na maaasahan tayo sa paggawa ng mga task na puwede nilang i-assign sa atin.

10. PAY ATTENTION TO NON-VERBAL COMMUNICATION. Yup! Malaking factor ang body language pagdating sa trabaho, kaya kailangang maging ma­ingat tayo rito upang maiwasan ang misinterpretation ng bawat isa.

Para sa mga working beshie natin diyan, make sure na nabasa ninyo ang mga ito at maia-apply sa ninyo sa trabaho, para maging happy-happy tayo!

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page