Kaya dapat, eh, alam mo ang iyong self-worth, beshy! PAGIGING MABUTI SA SARILI, GOOD SA HEALTH!
- Jersey Sanchez
- Feb 23, 2019
- 2 min read

KUNG minsan, sa kagustuhan nating mahalin ang ating sarili, eh, hindi natin namamalayan na nagiging harsh na pala tayo. ‘Yung tipong dine-deprive mo na ang iyong sarili sa mga bagay na nakapagpapasaya sa iyo dahil sa tingin mo ay mali ‘yun. Pero, knows ba ninyo na ayon sa pag-aaral, ang pagiging mabuti sa sarili ay nakabubuti sa ating kalusugan? Weh, ‘di nga?
Isang pag-aaral sa mga unibersidad ng Exeter at Oxford ang nakapagpatunay ng pag-aaral kung saan 135 estudyante ang kalahok at hinati sa limang grupo ang mga ito.
Samantala, ang unang grupo ay inatasang makinig ng “compassionate body scan” kung saan dapat nakapokus ang mga kalahok sa iba’t ibang sensation sa kanilang katawan kabilang ang interes at calmness. Ang ikalawang grupo naman ay binigyan ng “self-focused loving kindness exercise” na may kaugnayan sa positibong pananaw tungkol sa kanilang sarili at mga mahal sa buhay. Ang ikatlo at apat na grupo ay nakinig sa mga audio clip na nakapagpa-trigger ng kanilang critical inner voice o inilagay sila sa “positive but competitive and self-enhancing model”. Habang ang ikalimang grupo ay inatasang mag-imagine na sila ay nagsa-shopping sa ‘emotionally neutral’ setting.
Ayon sa mga researcher, pagkatapos ng 11 minutong pakikinig sa audio clips, lumabas sa resulta na ang heart rate ng mga kalahok na nakarinig ng positibong mga mensahe ay bumaba nang dalawa hanggang tatlong beses kumpara sa mga indibidwal na nakarinig ng negatibong mensahe.
Gayunman, ayon sa mga eksperto, ang mabilis na pagtibok ng puso ay nagiging dahilan upang hindi ito mag-pump ng dugo kung saan naaapektuhan ang suplay ng oxygen sa katawan. Ang cells sa katawan ay maaari rin umanong makulangan ng oxygen na nagiging sanhi ng pagkamatay.
Napag-alaman din sa pag-aaral na ang pagmamahal sa sarili ay may magandang epekto sa heart beat, partikular sa pag-a-adapt sa iba’t ibang uri ng sitwasyon.
Maliban pa rito, ang mga kalahok ay hindi gaanong pinapawisan habang isinasagawa ang pagsusuri. Gayunman, ang labis na pagpapawis ay senyales umano ng anxiety at stress.
Ayon sa mga eksperto, bukod sa physical benefits, ang mga kalahok na nakarinig ng positibong audio clips ay mas naging mabuti at sensitive sa kanilang sarili, gayundin, ang pagiging konektado sa ibang indibidwal.
Samantala, ang mga kalahok na nakirinig ng mga negatibong audio clips ay hindi nakaranas ng parehong epekto kumpara sa unang grupo at nagpakita rin ng senyales ng pagiging stressed at takot ang mga ito.
Kaya mga beshy, simple lang pala ang kailangan nating gawin para tuluyan tayong maging masaya, ito ay ang maging mabuti sa ating sarili. ‘Ika nga nila, we get the love we deserved by loving ourselves first. Ganern!
Stay happy! Okie?




Comments