top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit hindi na ako ni: Hedaya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 23, 2019
  • 1 min read

Nang makita ka, ngumiti ang aking mga mata.

Tila ba nagkaroon muli ng pag-asa na makalabas sa silid na aking pinagtataguan

ng mga emosyong ako lamang ang nakaaalam.

Dumating ka noong ako’y paubos na

at ipinaramdam sa akin na baka sakaling puwede pa.

Halu-halong emosyon ang aking nadama

sa pag-aakalang baka nga puwede pa.

Ilang araw, linggo at buwan ang nagdaan.

Kumusta ka na? Ako pa ba’y iyong babalikan?

Sabi nila, huwag na akong umasa,

dahil posibleng iniibig mo’y iba na.

Ngunit ako’y naging matigas,

kahit pigilan nila’y nagpupumiglas.

Siguro nga’y tama sila na ika’y masaya na

kahit hindi na ako ang iyong kasama.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page