top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOROSCOPE | PEBRERO 23, 2019 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 23, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 23, 2019 (Sabado): Mara­ming tagumpay ang nag-aabang sa landas ng bu­hay na iyong nilalakaran. Maging masinop at ma­pagpahalaga ka sa iyong kabuhayan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo lang ang kasalu­ku­yang pormula kung paano mo palalaki­hin ang iyong kabuha­yan. Huwag mo itong babagu­hin ng dahil lang sa may narinig kang mas magan­da. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-9-10-13-29-35-38.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mabibilis ang mga kagana­pan sa iyong harapan, kaya dapat ay mabilis ka rin nang sa ga­yun ay hindi ka maiwa­nan ng pabagu-bagong tak­bo ng panahon. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-12-14-26-34-46.

GEMINI (May 21- June 20) - Marami kang natutunan sa pakikipagsa­palaran. Ang kailangan mo na lang ay isabuhay ang mga ito at patuloy kang magdagdag ng iyong mga kaalaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-16-28-30-31.

CANCER (June 21- July 22) - Itabi mo muna ang iyong pagiging emos­yunal at tutukan mo ang aspetong pangkabuhayan. Sa­mantalahin mo rin ang magandang takbo ng ka­la­kalan nang sa ganu’n ay dumami ang iyong ka­yamanan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-19-20-28-31-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hin­di ka pa maka­pagpapahinga dahil kaila­ngan ka ng ilang malalapit sa buhay mo, pero puwede kang mamasyal sa maga­gandang lugar. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-white. Tips sa lotto-2-13-23-27-36-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang pag-asa ng mga na­lugi na dahil ang mga bago at kakai­bang ideya ay maglalabas-masok sa isip mo na ma­pa­kikinabangan ng mga gus­­tong makabawi sa bu­hay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-22-28-30-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Halik sa hangin, ito ang makiki­tang gina­gawa ng mga lihim na may pag­tingin sa iyo. Malakas ang halik sa hangin, kaya ihanda mo ang biglaang pagba­bago sa takbo ng iyong love life. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-19-23-28-35-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibalik mo ang iyong da­ting ginagawa, gayundin, ang magandang takbo ng iyong pinagkaka­kitaan. Pero, ang huwag na huwag mong ibabalik ay ang iyong mga pagka­kamali. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-13-18-21-29-34-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muli kang mangako sa iyong sarili na hindi ka hihinto hang­gang sa makuha mo ang iyong pangarap. Kailangang gawin mo ito dahil makikitang humihina ang loob mo. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-16-28-33-39.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo kailangan ang makabagong personal na kagamitan. Magsasayang ka lang ng salapi na maaari mong ma­gamit bilang dagdag na pu­hunan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-23-32-40-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masasa­yang kagana­pan ang naka­abang sa iyo. Ang piliin mo ay saya dahil kahit ku­mita ka ng marami at ma­lalaki, ibang klase pa rin ang maidudulot ng saya sa iyong buhay. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-4-6-18-24-25-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka mang­hihinayang sa iyong ipupu­hu­nan ngayon. Pero, manghi­hinayang ka kapag sa ibang araw ka pa nakipagsapa­la­ran sa larangan ng kala­ka­lan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-9-14-15-27-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page