top of page

Gastusin sa pagpapa-check-up, lab test at iba, hindi na problema!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 23, 2019
  • 2 min read

AGARANG SOLUSYON

NOONG bata pa tayo, nakababasa o naka­ririnig tayo ng mga kuwento ng mga mahihi­rap nating kababayan na namamatay dahil sa sakit na hindi naipagamot — hindi nagpaga­mot dahil walang pera, hindi nagpapa-check-up dahil walang perang pambayad sa doktor.

Nariyan din ang mga kuwentong “saka na ‘yang check-up na ‘yan. Malakas pa naman ako. Kesa ibayad ko sa check-up, ibibili ko na lang ng bigas” o kaya naman “sa isang ling­go na lang ako magpapa-check-up. Ang layu-layo ng bayan, mamamasahe pa ako.”

Puro pagpapaliban hanggang sa hindi na maituloy ang pagpapasuri.

Akala natin, sa mga drama lang sa komiks o telebisyon nangyayari ‘yan noon. ‘Yun pala, talagang nangyayari ito sa totoong buhay hanggang ngayon.

Marami sa mga kababayan natin ang na­mamatay na hindi man lang nagpatingin sa mga dalubhasa. Ang dahilan: Gastos — gastos sa ibabayad sa check-up, gastos sa pamasahe, gas­tos sa ireresetang gamot.

Lahat ‘yan, iniiwasan ng mga kababayan nating kapos sa buhay.

Pero magandang balita sa mga kababayan natin. Pinirmahan, pinagtibay at isinabatas na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Uni­versal Health Care (UHC) Act!

Ano ang benepisyo nito sa atin?

Sa pamamagitan ng batas na ito, tiyak nang mas maiiwasan ang paglala ng mga karam­daman. Ito ang magiging sandalan ng mga kababayan nating walang panggastos sa pag­papagamot.

Paano natin nasabing mapagagaan nito ang ating gastusin sa pagpapagamot? Sa batas na ito, libre na ang check-up, laboratory tests at ilang mahahalagang gamot.

Nu’ng ipinanukala natin ito, ang adhikain natin, dapat wala nang Pilipinong magigipit ka­pag nagkakasakit at unti-unti na itong maisa­sakatuparan sa pamamagitan ng batas na ito.

Dahil dito, nagpapasalamat tayo kay Pa­ngulong Duterte sa kanyang pagsasabatas sa Universal Health Care.

Pinakinggan niya ang panawagan ng na­kararami na gawing abot-kaya ang gastos- pang­kalusugan para na rin sa kapakanan ng naka­rarami, partikular ng mahihirap nating kaba­bayan.

Ngayong batas na ito, umaasa tayong wala nang papanaw dahil lamang sa panghihi­na­yang sa gastos sa pagpapasuri, umaasa tayong wala nang manghihinayang sa pamasahe para magpa-check-up dahil libre na ito, libre na rin ang laboratory tests at ang ilang mahahala­gang gamot.

Pakatandaan natin na pahalagahan ang ating kalusugan sapagkat marami ang nag­mamahal sa atin na nababahala sa tuwing tayo ay may karamdaman.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page