'Di lang isa, kambal pa ang anak… KORINA, MAY MAIPAGMAMALAKI NA KAY KRIS
- BULGAR

- Feb 23, 2019
- 1 min read

YES, hindi na nga inilihim pa nina Korina Sanchez at Mar Roxas ang pagkakaroon nila ng kambal na anak via In Vitro Fertilization at sa pamamagitan ng surrogate mother.
Ilang panahon din na ito ay kanilang pinaghandaan. At bali-balita nga na ang Lord of Scents na si Joel Cruz ang tumulong upang magkaroon ng katuparan ang pangarap na magkaanak ng mag-asawa.
Si Joel ay may apat na pares na ng kambal na may surrogate mom. Foreigner ang ina ng mga bata, kaya mga tisay at tisoy ang isinilang nitong kambal.
Kambal din ang gustong anak nina Korina at Mar. Isang babae at isang lalaki ang isinilang ng napili nilang surrogate mother, na sinundo pa nila sa America.
Happy and proud parents sina Mar at Korina. Aligaga sila sa pagpili ng ibibigay nilang pangalan sa kanilang kambal. At si Korina, bilang isang babae ay natupad na ang pangarap na maging isang ganap na ina at makukumpleto na ang kanilang pamilya.
Ano kaya ang masasabi rito ni Kris Aquino na matatandaang minsang nagpatutsada kay Korina dahil sa hindi nito pagkakaroon ng anak?





Comments