Tibo na dehins ipinakilala ng GF sa mga magulang

Dear Roma, Ako si Sai, 25 years old at tibo. Matagal na kami ng GF ko na si Rinz, kaya lang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako ipinakikilala sa mga magulang niya. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan dahil noon naman ay may naging GF na rin siya na naipakilala naman niya, pero ako kahit isang beses ay hindi pa. Ano ang dapat kong gawin? Sana, mapayuhan ninyo ako. — Sai
Sai, Alam mo, lodi, minsan wala sa atin ang problema kundi nasa kanila, halimbawa, sa inyo ng GF mo, for sure, may hindi siya inaamin sa iyo kaya hanggang ngayon ay hindi ka pa rin niya maipakilala sa mga magulang niya. Kung talagang mahal mo siya, respetuhin mo muna ‘yung desisyon niya, pero kung feeling mo, eh, nadedehado ka na ay saka mo siya komprontahin kung bakit ganu’n ang nangyayari. Sa totoo lang, komunikasyon lang ang sagot diyan at malalagpasan mo rin ang problemang iyong pinagdaraanan sa kasalukuyan. Go, lodi! Laban lang sa ngalan ng pag-ibig!





Comments