Sinigang ang iniluto, carrots, repolyo at patatas ang sahog… MADLANG PIPOL KINA MAR AT KORINA: '

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

Photo : @korina
NABA-BASH na naman si Korina Sanchez at ang asawa nitong si Mar Roxas dahil sa recent post sa Instagram ng newscaster na magluluto raw sila ng sinigang ngunit ang makikita sa litrato ay ang paghihiwa niya ng carrots.
Ani Korina, “Gagawa kami ng sinigang. And kaya kong magtalop ng anything kahit walang peeler knife!”
Maraming netizens ang natawa at nagduda sa post na ito ng misis ni Mr. Palengke, dahil mukhang ‘gimik’ lang daw ito since kumakandidato nga ang kanyang mister sa pagka-senador sa darating na May, 2019 elections.
Sinundan pa ito ni Korina ng video kung saan makikitang naghahalo si Mar ng kanilang niluluto at nilagyan ng caption na: “Lunch ala-Mar is short ribs sinigang w carrots and potatoes. Parang pinagsamang sinigang and nilaga. Masarap naman... #MisisniMar”
Mas binatikos sila ng madlang pipol, dahil bukod sa may carrots na ang kanilang sinigang na hinahalu-halo pa ni Mr. Palengke ay meron pa itong repolyo at patatas. Saan ka nga naman makakakita ng sinigang na may patatas, carrots at repolyo?
Kaya maraming netizens ang nag-comment ng, “Pasok Gadon” at “‘Wag maging bobo!”
Sa kabila ng mga batikos, sinundan pa uli ito ng post ni Korina ng litrato ni Mar na nagluluto.
Ani Korina, “Okay so....walang Knorr instant sinigang mix.... WHAT DO WE DO NOW??? Aba, aba! Kinaya ni Mr. Palengke, este, Mr. Ekonomista na magluto ng walang instant anything! From scratch!”
Pero kung bilib na bilib si Korina sa pagluluto ng mister, ginawa naman itong katatawanan ng madlang pipol!
Samantala, masayang ibinalita kahapon (February 21) ni Korina na biniyayaan na sila ng kanyang mister na si Mar ng kambal na anak, babae’t lalaki.
Sa Instagram post din ni Korina ay nagpapatulong siya sa madlang pipol kung ano ang magandang ipangalan sa kanilang anak.
Aniya, “I think if you believe hard enough, the miracle you most want can come true. Announcing the arrival of our little boy and little girl. We’re thinking of names. Any suggestions? Jack and Jill? Sonny and Cher? MariKor and KoriMar? Daniel and Kathryn? Did you ever think it could still happen for me? I never stopped believing.”





Comments