PCG personnel, sibak sa kotong

SINIPA sa puwesto ang isang personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) makaraang maaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa entrapment operation sa Palawan.
Ito ang kinumpirma ni PCG Spokesman Capt. Armand Balilo, na inilagay sa preventive suspension si Ensign Allison Tindog, operations officer ng Coast Guard District Palawan na kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI.
Bukod sa isasampang kasong kriminal, mahaharap din ito sa kasong administratibo.
Nag-ugat ang pagaresto kay Tindog nang magreklamo ang isang dayuhang turista.
Nalaman na walang permit ang yate ng dayuhan para makadaong sa Palawan.
Hiningan umano siya ni Tindog ng P80,000 pero, sa resibo ay P10,000 lamang ang inilagay ni Tindog.
Nagreklamo sa NBI ang dayuhan at nang ibinigay na nito ang kakulangan na P40,000 sa kanilang pinag-usapan na P80,000 dito na inaresto ang suspek.





Comments