P3.5-b scientific sports complex, aprub


MALAKI na ang tsansa ng mga Pinoy athlete na manalo sa mga kompetisyon matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas para magtayo ng mga de-kalidad na scientific sports complex na tatawaging Philippine Sports Training Center (PSTC).
Ayon kay Abono Partylist Rep. Conrado Estrella III, chairman ng House Committee on Youth and Sports Development, importanteng naisabatas na ang pagtatayo ng nasabing bagong sports center dahil ang huling konstruksiyon nito ay noon pang 1934 kung saan ito ang Rizal Sports Coliseum.
Si Estrella rin ang nagsusog para maipasa sa Kongreso hanggang sa malagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11214 o Act Establishing Philippine Sports Training Center. Ang nasabing sports center ay binigyan ng pondong 3.5 bilyong piso sa ilalim ng Philippine Sports Commission.
Nagpasalamat din si Estrella sa mga member ng House Committee on Youth and Sports Development, lalo na kay Speaker Gloria Macapagal Arroyo para mabuo at maging batas ang PSTC. Maging sina Senate Pres. Vicente Sotto at Sen. Sonny Angara at Sen. Manny Pacquiao na chairman ng Senate Committee on Sports ay pinasalamatan din ni Estrella dahil sa pagsuporta nito. (BRT)





Comments