Magsasaka niratrat ng NPA
NEGROS ORIENTAL—Isang magsasaka ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), kamakalawa sa Bgy. Nalunday, Bindoy sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Reynaldo Loqueloque, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, pinasok ng mga NPA ang bahay ni Loqueloque at kinaladkad ito palabas at saka pinagbabaril hanggang sa mapatay.
May hinala ang mga awtoridad na napaghinalaan ng mga rebelde na military informer ang biktima kaya nila ito piñata.





Comments