top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mabahong drainage na matagal ng pinagtitiisan ng mga residente sa La Trinidad, Benguet, aksiyunan!

Ryan B. Sison
Feb 22, 2019
2 min read

MASANGSANG at hindi kanais-nais na amoy ang tatlong taon na umanong tinitiis ng mga residente sa Barangay Balili, La Trinidad, Benguet. Ito ay dahil sa nangangamoy na drain­age sa kanilang lugar na dinadaluyan umano ng septic waste.

Base sa kuwento ng ilang mga residente, halos araw-araw nilang naaamoy ang drainage kung saan ang mga tao ay hindi na halos ma­kadaan malapit dito, gayundin ang mga nagti­tinda na nakapuwesto malapit sa drainage ay bumili pa umano ng electric fan para lang mai­taboy ang nakaduduwal na amoy.

Alam nating maraming lugar sa bansa ang walang proper waste management kaya naman imbes na maging malinis ang kapaligiran ay lalo itong dumurumi na nagreresulta sa pagka­karoon ng mabahong mga ilog at kanal.

‘Yung tipong halos mapuno na ‘yung ilog ng basura tulad ng mga plastik, diaper at marami pang iba, nakadidismaya talaga!

Samantala, ang nakababahala pa rito, ang hinihilang septic waste ay dumadaloy umano pa­punta sa Balili River na mayroong habang 23.81 kilometers na nagdurugtong sa Baguio at ibang municipalities ng La Union at Sablan.

Gayunman, noong nakaraang taon ay nagsu­mite na umano ng petisyon ang mga residente sa kanilang barangay para maresolba ito, pero ayon sa tanggapan ng Barangay Balili, naipa­batid na nila ito sa municipal mayor, pero hindi pa nahahanap kung saan nagmumula ang maba­hong amoy kaya hanggang ngayon ay wala pa rin silang nagagawang solusyon.

Bagama’t, hindi nila mahanap, hindi ‘yun sapat na dahilan para hayaan lang ito kahit na alam na nilang maraming residente ang maa­aring manganib ang buhay, sa totoo lang, dapat hindi na ito pinatatagal pa ng mga kinauukulan, lalo na kung kalusugan na ng mamamayan ang naaapektuhan!

Kaya ang panawagan natin sa lokal na pa­mahalaan sa Municipal Environment and Na­tural Resouces (MENRO), inspeksiyunin ang lugar at tuluyan ng tuldukan ang matagal ng problema ng mga nakatira sa nasabing lugar.

Imposibleng, hindi malalaman kung saan nagmumula ang mabahong amoy kung tala­gang ginagawan ng paraan.

Samantala, ang paalala natin para sa lahat, ang mga lalabag sa Republic Act 9275 o Philip­pine Clean Water Act of 2004 kada araw ay maaaring magmulta ng P200,000, kaya kung ayaw nating maparusahan, alagaan natin ang kalikasan at magkaroon tayo ng pakialam sa kapaligiran!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page