top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Forest fire sa benguet, 5 patay

Jeff Tumbado
Feb 22, 2019
1 min read

LIMA ang nasawi sa nangyaring forest fire sa bahagi ng lupang pagmamay-ari ng Philex Mining Corporation sa Sitio Sal-angan sa Itogon, Benguet.

Sa nakarating na report sa Police Regional Office-Cordillera Administrative Region (PROCAR), naiulat ang pagkalat ng apoy ala-1:30 ng Miyerkules ng hapon at idineklarang under control makalipas ang limang oras.

Na-trap sa nasusunog na gubat at hindi na nagawang makaligtas sina Leon Mocate, Dante Molina, Noel Degyem, Marlon Guinigin at Dexter Labasa, pawang mga empleyado at forester ng nasabing kumpanya.

Sinasabing nasa loob ng kanilang gusaling tinutuluyan na Forestry Department ang mga biktima habang nasa kasagsagan ng sunog.

Samantala, nasa lima hanggang anim na ektarya ang nasunog na kagubatan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page