Bukod sa pagsusuot ng kulay pula na damit... KATOTOHANAN TUNGKOL SA MGA DAPAT GAWIN KAPAG MAGDIRIWAN
- BULGAR

- Feb 22, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Eca ng Erica_LadyPisces@ facebook.com
Dear Señor,
Ano ang pampasuwerte para sa tulad kong magdiriwang ng kaarawan? February 25 ang birthday ko.
Maraming salamat!
Naghihintay,
Eca
Sa iyo Eca,
Sa buong mundo, ang date of birth ay ang pinakamasayang araw. Lahat ng tao ay nakaranas ng masayang kaarawan. Gayunman, habang nagkakaedad na ang tao ay nababawasan na ang kanyang saya sa pagsapit ng araw ng kanyang pagsilang. Kaya nga marami-rami na rin ang hindi na nagse-celebrate.
Kaya minsan, maririnig natin na ang paghahanda sa birthday ay para lang sa mga bata. Bakit kaya? Ito ay dahil kapag ang tao ay nakararanas na ng mas maraming araw na hindi siya masuwerte, sa kabuuan ay nalulungkot na siya.
Dahil dito, gusto naming ipaabot sa iyo na mas maraming suwerte ang dapat na mapasaiyo nang sa gayun ay hindi ka talunin ng kalungkutan habang ikaw ay nabubuhay. Sundin mo ang ilang mabisang pampabuwenas na dapat mong gawin sa mismong araw ng iyong kapanganakan:
1. Agahan mo ang iyong gising. Dapat ay maunahan mo ang Haring Araw sa kanyang pagsik
at sa silanganan.
2. Maligo ka kaagad pagkagising mo.
3. Para magawa mo ito, gumamit ka ng maligamgam na tubig at pagkatapos ay uminom ka ng kape.
4. Ang tasang dapat mong gamitin ay maliit lang at porcelain. Bakit?
5. Dahil sa tasa, unti-unting lumalamig ang mainit na kape hindi tulad sa baso na walang hawakan at mas mabilis na lumalamig ang anumang mainit na inuming iyong ilalagay.
6. Ngayong alam mo na ang pagkakaiba ng tasa at baso, ang isa pang nakatutuwang balita ay nagsasabing ang cup ay lucky charm na ang hatid sa tao ay masaganang buhay.
7. Gayundin, huwag mong kalilimutan na magsuot ng red na panloob — panty o bra.
8. Huwag mo ring kalimutan na maglagay ng mga bagong coin sa wallet o bulsa.
Good luck and God bless!




Comments