top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Alamin mula kay Maestro... KAPALARAN NG MGA SINGLE NA TIGRE NGAYONG TAON NG MGA BABOY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 22, 2019
  • 2 min read

SINASABING sobrang lakas ng magnetismo ng mga Tigre kaya madali ni­lang naaakit ang kanilang opposite sex, hindi lang sa pakikipagrelasyon malakas ang kanilang magnetismo kundi sa lahat ng bagay, kaya naman ang suwerte at magandang kapalaran ay kusang kumakapit sa kanilang katawan nang hindi nila inaasahan.

Dagdag pa rito, dahil ipinapalagay na secret friend ng Tiger ang Pig, maraming sikreto at lihim na magagandang kapalaran ang bigla-biglang darating sa buhay ng Tigre ngayong Taon ng mga Baboy.

Dahil kusa at hindi nila inaasahan ang pagkapit na ito ng magandang kapalaran, kadalasan kapag hindi nila ito iningatan, ito ay nasasayang at nauubos kaagad, kaya dapat ay may nagga-guide o nagpapaalala sa Tigre sa panahong sila ay sobrang suwerte na maghinay-hinay sila dahil ang lahat ng bagay ay nauubos din at lumilipas. Ang hayop na maaaring mag-guide o gumabay sa magandang kapalaran ng Tigre ay ang mga bestfriend niyang Horse at Dog.

Dagdag pa rito, dahil sa sobrang lakas ng kanilang mag­netismo, minsan, ma­ging ang mga pangit na kapalaran ay naaakit nila sa ka­nilang buhay. Kaya sa mga ganitong sitwasyon, ka­unting pagpag ang dapat nilang gawin upang ma­wala ang mga nega­tibong puwersa na kanilang nasasagap. Ibig sabihin, kaila­ngang magpahiyang o mamasyal sa mala­layong lugar na ma­la­pit sa nature at may magagandang tana­win ang Tigre kasama ang Aso o kaya ang kaibigan niyang Kabayo sa pana­hong nakararamdam siya ng depresyon at ka­malasan. Sa gani­tong paraan, gigin­hawa at magiging maligaya ang kanyang pakiram­dam.

Sinasabi ring maraming twists at sadyang magiging magara at makulay ang kapalaran ng Tigre ngayong 2019, pero kahit na maraming mga buhul-buhol na pangyayari, tinatayang ang positibong kapalaran pa rin ang mananaig at mamayani sa dakong huli. Ibig sabihin, kahit ano ang mangyari sa iyo ngayon taon, huwag kang matatakot dahil tulad ng nasabi na, ang lahat ng negatibong mga pangyayari ay babalik din sa tunay at talaga niyang sukat kung saan suwerte at magandang kapalaran pa rin ang iyong makakamit sa dakong huli.

Kung ano ang magagandang pangyayaring naganap sa Tigre noong nakaraang taong 2018 kung saan nakaahon sila sa mga suliranin at problema, ngayon 2019, lalo silang makaaahon sa mga problema at may bonus pang magagandang kapalaran. Halimbawa, kung hindi ka makabayad ng iyong mga pagkakautang ngayong 2019, hindi ka lang makababayad, bagkus, sa bandang huli, ikaw na dating nangungtutang ang siyang mag­papautang dahil sosobra ang iyong kita na hindi mo inaasahan.

Sa kabuuan, tinatayang kung may dumating mang mga pagsubok ngayong taon, siguradong ito ay panandalian lang dahil tulad ng nasabi na, ang lahat ng suliranin ay na­katakda namang masolusyunan ng Tigre.

Sadyang magiging paborable naman ngayong Taon ng mga Baboy sa mga single o wala pang boyfriend, girlfriend o asawa na naghahanap ng mapapangasawa o magiging lover dahil parang sorpresa, tunay ngang matatagpuan na ng Tigre ngayon ang babae o lalaking mamahalin at magpapaligaya sa kanila, habambuhay.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page