6 todas sa nasunog na karaoke room
- Jersey Sanchez
- Feb 22, 2019
- 1 min read
PATAY ang anim katao kabilang ang tatlong dayuhan nang sumiklab ang sunog sa karaoke center sa Ipoh, Perak State, Malaysia, kamakalawa.
Batay sa ulat, nagmula ang sunog sa ikaapat na palapag ng gusali.
Gayunman, 30 karaoke rooms ang nasa ikaapat at ikalimang palapag ng nasunog na gusali.
Agad rumesponde ang mga bumbero at bumungad sa kanila ang anim katao na pinaniniwalaang nasawi dahil sa smoke inhalation.
Ayon kay Perak Fire Department acting director Sayani Saidon, dalawa sa mga nasawi ay Malaysians, dalawa ay Vietnamese, Banglandeshi ang isa habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa.
Samantala, walo katao ang nailigtas ng bumbero kung saan dalawa roon ang nasa kritikal na kundisyon.
Nabatid na hindi bumukas ang exit lights nang sumiklab ang apoy dahilan para hindi agad makalabas ang mga tao sa karaoke center.





Comments