2 NPA utas sa militar
- Jeff Tumbado
- Feb 22, 2019
- 1 min read

DALAWANG miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay ng militar makaraang magkasagupaan ang mga ito sa Mansalay, Oriental Mindoro.
Sa report kay Army Lt. Felise Vida Solano, nangyari ang engkuwentro ng magkabilang panig sa bahagi ng Bgy. Teresita, pasado alas-4:00 ng madaling-araw.
Kabilang sa mga nakasagupa ng 4th Infantry Battalion ng Philippine Army ang nasa 30 rebelde kung saan matapos ang mahigit 30 minutong bakbakan ay dalawa mula sa panig ng kalaban ay wala ng buhay na nakabulagta.
Nakuha mula sa tabi ng bangkay ng dalawa ang M-16 rifle at 3 backpacks.





Comments