top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sekyu todas sa kapwa sekyu

Levi Gonzales
Feb 21, 2019
1 min read

PATAY ang isang security guard matapos barilin ng kanyang kasamahang guwardiya sa kanilang pinapasukan sa Bgy. 2, Mataas na kahoy, Batangas.

Batay sa inisyal na ulat, alas-12:30 ng hatinggabi, habang nag-iinspeksiyon ang biktimang si Loreto Baltazar, officer-in-charge ng Oxygen 8 Forces Security, sa opisina ng Batangas Electric Cooperative 11, nang komprontahin ang suspek na si Ruel Ariola, nakatalagang guwardiya sa naturang establisimyento.

Nagtalo ang dalawa hanggang sa barilin ng suspek ang biktima na tinamaan sa dibdib.

Dinala pa ito sa pagamutan ngunit, idineklarang dead-on-arrival habang tumakas naman ang suspek.

Patuloy na ang isinasagawang pagtugis sa salarin at pag-iimbestiga sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page