Pusher tepok sa shootout
Pabs Hernandez III
Feb 21, 2019
1 min read
LAGUNA—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Sto. Niño, Biñan City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Rodolfo Doroja, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Doroja, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Kaagad namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments