Paglikha ng philippines sports training center, pirmado na

INAASAHANG hindi magtatagal ay magkakaroon na ng lugar na puwedeng pagsanayan ang mga Pilipinong atleta para sa kanilang mga kumpetisyon.
Ito ay matapos ianunsiyo ng Malacañang na nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11214 o ang Philippine Sports Training Center Act.
Sa batas, minamandato nito ang konstruksiyon ng sports facilities at amenities sa loob ng 18 buwan.
Dapat din ay maitatayo ito sa lokasyon na magiging pabor sa high-level training ng mga atleta, coach at referee.
Nakasaad din sa batas na ang Philippine Sports Commission ang magiging may-ari ng training center, kabilang na ang sports facilities at amenities nito.
Nabatid na mayroong P3.5 bilyong budget na ang nakalaan sa General Appropriations Act para sa konstruksiyon ng pasilidad.





Comments