top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Nahulihan ng dinamita sa pangingisda

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 21, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta,

Nahulihan ng dinamita ang kapatid ko habang nasa laot. Nangangamba kami na tuluyan siyang makulong. Ipinagbabawal ba ito kahit hindi naman talaga niya ito ginamit sa kanyang pangingisda? — Juno

Dear Juno,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Republic Act (R.A.) No. 8550 o mas kilala sa tawag na The Philippine Fisheries Code of 1998. Nakasaad sa Chapter VI, Section 88 nito:

“Chapter VI: Prohibitions and Penalties:

Section 88. Fishing Through Explosives, Noxious or Poisonous Substance, and/or electricity.

x x x

(2) Mere possession of explosive, noxious or poisonous substances or electrofishing devices for illegal fishing shall be punishable by imprisonment ranging from six (6) months to two (2) years. […]”

Samakatwid, ipinagbabawal ng batas na ito ang mere possession o pagkakaroon lamang ng mga explosive, noxious o poisonous substance o electro fishing device na maaaring gamitin sa iligal na pangingisda. Hindi mahalaga kung ito ay aktuwal na ginamit sa iligal na pangingisda. Alinsunod sa batas, ang sinumang lumabag ay maparurusahan ng kulong na anim (6) na buwan hanggang dalawang (2) taon.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page