top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga pampasabog, natagpuan sa basurahan

Jeff Tumbado
Feb 21, 2019
1 min read

BINALOT ng tensiyon at hilakbot ang mga residente sa Bgy. Mabolo-Delgado sa Iloilo City dahil sa pagkakadiskubre sa basurahan ng isang kahon na naglalaman ng limang piraso ng pampasabog kahapon ng umaga.

Agad itong nai-secure sa mabilis na pagresponde ng ilang tauhan ng Explosives Ordnance Division (EOD) ng Iloilo City Police Office (ICPO) nang iparating sa kanila ang impormasyon ng isang barangay tanod.

Matapos dalhin sa police headquarters, tumambad ang nakasilid na limang piraso ng rifle grenades na umano'y ‘buhay’ at nakatakdang sumabog.

Ayon sa inisyal na ulat, sa pagitan ng alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-9:00 ng umaga, posibleng iniwan ng hindi pa tukoy na suspek ang mga pampasabog.

May kasama ring isang piraso ng ring flare sa loob ng nasabing karton.

Sinasabing pawang mga military-issued grenade ang natagpuan at inaalam na kung sino ang nagmamay-ari ng mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page