Matapos sampahan ng kaso, pumalag | TRUMP SA MGA ESTADO: SAYANG LANG ANG ORAS N’YO
- Jersey Sanchez
- Feb 21, 2019
- 1 min read
PAG-AAKSAYA lamang umano ng oras ang paghahain ng kaso ng 16 estado para kontrahin ang kanyang pagdeklara ng national emergency, ayon kay U.S. President Donald Trump.
Dagdag pa ng presidente, nagsayang lamang ng bilyong halaga ng pera ang 16 estado na pinamumunuan ng mga Open Border Democrats at Radical left
Gayundin, upang pigilan ang nasabing deklarasyon, hinamon nito ang korte na maglabas ng karampatang ebidensiya.
Una rito, 16 estado ang nagsampa ng kaso sa Federal District Court sa San Francisco para pigilan si Trump sa pagtatayo ng border wall.
Matatandaang, idineklara ni Trump ang state of emergency sa bansa noong nakaraang linggo para mapondahan ang $5.7 billion na U.S.-Mexico border wall.





Comments