top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Matapos magsimba | MAG-ASAWA NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM

  • Jeff Tumbado
  • Feb 21, 2019
  • 1 min read

ISANG mag-asawang negosyante ang pinagbabaril ng hindi pa matukoy na salarin habang nasa compound ng isang Simbahan sa Bacolod City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tatlong tama ng bala sa ulo at katawan ang 57-anyos na si Alex Yao habang patuloy na ginagamot sa ospital ang kanyang maybahay na si Maria Theresa, 56, na tinamaan ng bala sa kaliwang braso.

Ayon kay Inspector Florentino Abalayan, nangyari ang krimen sa loob mismo ng compound ng Redemptions’ Church sa B.S Aquino Drive sa Bgy. Singko.

Sinasabing katatapos lamang magsimba ng mag-asawa at nasa loob na ng kanilang sasakyan nang dumating ang gunman sakay ng motorsiklo na minamaneho ng isa pa saka sila pinagbabaril.

Isa sa mga tinitingnan ng mga imbestigador na dahilan sa krimen ay away sa lupa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page