top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mag-live-in partner, 1 pa timbog sa droga

Maeng Santos
Feb 21, 2019
1 min read

TATLONG hinihinalang drug personalities kabilang ang mag-live-in partner ang naaresto sa buy-bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Rosalia Gipaya alyas Cel, 41; ka-live-in nitong sina Ronie Borres alyas Agao, 41, pusher, kapwa ng Caloocan City at Elizabeth Baruela, 45, ng Malabon City.

Alas-11:50 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Insp. Rolando Domingo ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Tumaris St., Bgy. Tugatog.

Matapos iabot ng mga suspek ang sachet ng shabu sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P300 marked money, agad itong nagbigay ng signal sa kanyang mga kasamahan.

Lumusob ang back-up na mga operatiba at sinunggaban ang mga suspek at nang kapkapan ay narekober pa sa mga ito ang pitong plastic sachets na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page