top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

LADY EAGLES, BINAWIAN ANG TIGRESSES ST. BENILDE, RERESBAK SA D-LEAGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 21, 2019
1 min read

NAKABAWI ang Ateneo de Manila sa natamong unang pagkatalo makaraang manaig kontra University of Santo Tomas, 25-21, 25-18, 16-25, 25-22, kahapon sa UAAP Sea­son 81 Volleyball Tournament women’s division sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Pumatas ang Lady Eagles sa Golden Tigresses sa markang 1-1, panalo-talo, pagka­raang bumangon sa natamong pagkatalo sa kamay ng De La Salle, 25-14, 25-17, 16-25, 25-19, noong Linggo.Lamang ng lima sa iskor na 23-18 sa 4th set, nadikitan pa ang Ateneo ng UST na nagbantang hihirit ng decider matapos na maibaba ang bentahe sa 22-23, kasunod ng tatlong hits mula sa Tigresses at isang error mula kay Jules Samonte.

Mabilis na pinutol ni Kat Tolentino ang paghabol ng UST at inilagay sa matchpoint ang Ateneo sa bisa ng kanyang matinding kill bago iniregalo ni Milena Allesandrini ang huling puntos ng laro sa kanyang attack error.

Tumapos na topscorer para sa Lady Eagles si Tolentino na may 22 puntos kasu­nod si Maddie Madayag na may 15. Nangu­na naman si Cherry Rondina para sa Tigresses sa itinala niyang team-high 20 puntos. Saman­tala, pagsisikapang makabawi ng Go for Gold-College of St.Benilde sa nauna nilang kabiguan sa pagharap nila sa bago pa lamang sasabak na St. Clare College-Virtual Reality sa pagpa­patuloy ng 2019 PBA D-League ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page