top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kaysa tumambay ka lang sa kama maghapon, besh! TIPS PARA SA MAS MASAYANG BAKASYON

Donna Thea Topacio
Feb 21, 2019
2 min read

No Problem

MALAPIT na ang summer, handa na ba kayo? Naku, kung dehins pa, oks lang ‘yan dahil may time pa naman kayo para mag-prepare. Gayun­man, sa mga hindi nakapag­bakasyon last year dahil busy sa work, make sure na ngayong taon ay mae-enjoy na ninyo ang mga araw na walang pasok. Kaya, alamin natin ang mga paraan para magkaroon ng mas masayang bakasyon:

1. BE WITH YOUR FAMILY. Of course, mas masaya ang trip kung ang kasama mo, eh, ‘yung mga taong mahal mo. Lalo na kung minsan lang kayong makapag-bonding dahil busy sa school at trabaho.

2. TRY SOMETHING NEW. Ibahin ninyo ang trip n’yo, mga lodi! Kung noon, eh, dehins pa kayo nakata-try ng adventure, make sure na magagawa na ninyo ito, this year!

3. ENJOY. Ito ang susi para maging masaya ang bakasyon, kung hindi ka kasi mag-e-enjoy, balewala lang ang lahat ng mga gagastusin mo. Charot!

4. LIVE YOUR LIFE TO THE FULLEST. Kapag nandu’n na kayo sa destination, sulitin na ninyo, mga besh! Isipin n’yo na kailangan ninyong maging masaya dahil once in a blue moon lang naman ito nangyayari at sa pagbalik ninyo sa reyalidad, eh, back-to- work na. Hu-hu-hu!

5. DON’T BE A KJ (killjoy). Ooops! Iwanan mo muna ang pagiging KJ mo sa opisina o eskuwela, kapag kasama ninyo ang inyong pamilya, make sure na sasakyan ninyo ang lahat ng trip nila. Ganern!

6. DON’T STRESS YOURSELF ABOUT THE EXPENSES. ‘Ika nga nila, what is money? Paper only! Joke! Minsan, kahit hindi tayo mayaman, kailangan din nating mag-enjoy sa buhay, kaya stop muna sa pag-iisip ng ibang gastusin dahil kung tutuusin, ikaw din naman ang naghirap sa perang ‘yan. Realtalk!

7. LEARN TO SAY YES ALWAYS. Be optimistic, guys! Huwag maging negatron para masulit at ma-enjoy n’yo talaga ang bakasyon. Kung palagi kayong negatibo kung mag-isip, paano kayo magiging good vibes niyan? Hmmm…

8. DO WHAT YOU LOVE. Siyempre, kung ano ang makapagpapasaya sa iyo, ‘yun ang gawin mo. Kung bet mong mag-beach, magpunta sa abroad, mag-cruise o kaya ay mag-staycation, ‘yun ang gawin mo with your family, friend, special someone etc.

Oh, ayan, mga lodi, make sure na masusulit ninyo ang bakasyon na matagal ninyong hinintay na dumating. He-he-he! Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page