top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Inday Sara, busy sa pag-eendorso, nangangamoy 2022 Elections

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 21, 2019
  • 1 min read

APRUB na ang Sim card forever.

‘Yan ay kung hindi mananakaw ng isnatser!

◘◘◘

NAMATAAN ang isang bagyo.

Akala ko ba, El Niño?

◘◘◘

NAUUSO na naman ang sunog.

Next week kasi, Marso na!

◘◘◘

BINANTAAN ni U.S. President Donald Trump ang puwersang militar ng Venezuela.

Akala niya, siya ang hari ng mundo!

◘◘◘

IBINISTO na ng Iran ang submarine na may kakayahang magpakawala ng cruise missiles.

Handa na sila sa giyera!

◘◘◘

IBABAWAL na ang Huawei sa U.S.

Maaari raw kasi itong makapang-espiya!

◘◘◘

AYON sa Beijing, hindi maaaring umunlad ang daigdig nang wala ang Huawei.

Ano yan, lovers’ quarrel?

◘◘◘

MALABO pang magharap sina “Manny” Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.

May pumapatol pa rin kasi sa kanila na milyun-milyong dolyares ang premyo!

◘◘◘

MARAMI nang kandidato ang tuliro.

Pero, hindi nila malaman ang gagawing diskarte!

◘◘◘

ABALA si Mayor Sara sa pag-endorso sa mga senador sa iba’t ibang lalawigan.

Nagsimula na ang 2022 Presidential Elections!

◘◘◘

BINUHAY na ang Department of Human Settlements.

Mabuhay si Madame Meldy!

◘◘◘

IPINAKITA sa Facebook ang litrato kung saan ibinakod sa kasilyas ang tarpaulin ni “Bong” Go.

At least, hindi lang siya malapit sa puso ng botante, malapit din siya sa “wetpaks”!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page